A Glimpse of a Day in My LifePosts RSS Comments RSS

ANG YAYA NI NICO NA MAHILIG SA BALE

Paunang Salita: Itataglish ko na lang ang entry na ito. Tutal naman, very jologs naman ang kwento ko.

***

Nung isang hapon habang ako’y nasa opisina, may natanggap akong isang text message galing sa Yaya ng anak ko. Aba, at sobrang natawa talaga ako sa message nya, pero napaisip din ako ha. Eto oh…

problemado
k?

at wlng
pera?

e2 ang
sgot jn

just txt…

ATE FENG <space>
PENGE <space>
PERA

at isend s number nya

ang dali db?
my chance kpang
msermonan!

Sender:
Yaya Ni Nico
0919xxxxxxx
Sent:
12:31:53pm
05-18-2007

Pagkabasa ko ng text, tumawag agad ako sa bahay para itanong kung talagang seryoso sya sa paghingi ng pera. Madalas kasi, itong Yaya ng anak ko, di pa man oras ng sweldo nya, na advance na halos lahat ng sweldo.

Pero di naman kami masyadong naghihigpit sa kanya pagdating sa pag-bale lalo na pag alam namin na talagang kailangan lang ng family nya ang pera. Nitong huling pagbale nya, medyo malaki ang hiningi kasi may sakit ang kanyang bunsong kapatid na si Nikki. Halatang-halata ko na balisang-balisa sya sa pag-iisip sa kalagayan ng kapatid nya. Biruin mo ba naman, nilalagnat daw ang kawawang bata dahil sa sakit ng tiyan tapos di pa makaihi ng maayos. Ang sabi ng Tatay nitong Yaya namin, pina-albolaryo na daw nila si Nikki at ang bilin ng manggagamot, painumin ng beer at luya kasi may nakapasok daw sa tiyan ng bata na insekto.

Aba’y talagang nagtatatalak ako nung marinig ko ang kwento. Ano ba naming klaseng paraan ng manggagamot yan at gusto pa yatang patayin ang bata? “Bakit di pa nila patinggnan sa duktor ang bata?” ang sabi ko. “Eh kasi Ate wala daw po silang perang panggastos,” sabi ni Ness. “Eh yung mga kamag-anak mo dun, bakit di muna sila mangutang duon?” sabi ko ulit. “Eh kasi po ang dami ng utang nila Tatay kay Lola at kay Tita ko. Tapos sa mga tindahan naman duon, ang haba na rin ng listang utang nila. Wala kasing tanggap na trabaho si Tatay ngayon, pa extra-extra lang,” sagot ni Ness sa pagtatanong ko. “O eh ang Nanay mo, alam ba nya na may sakit si Nikki?” tanong ko ulit. “Naku si Nanay pa, kahit sabihin ko yun sa kanya, wala syang pakiaalam kasi mas malala daw ang problema nya, lalo na ngayon, wala syang ibang maaasahan, nakipag-hiwalay na sya dun sa basagulero ang lansinggero nyang asawa,” sabi ulit ni Ness. “Oh bakit naman nakipag-hiwalay Nanay mo dun?” tanong ko ulit. “Eh kasi bubog sarado lagi si Nanay kapag nalalasing yun kaya lumayas na sya dun. Nanghihingi nga rin sa akin ng pera yun eh, wala naman akong maibibigay,” sabi ulit ni Ness.

Anak nang…. Isa’t kalahati rin naman talagang napaka-iresponsable ng mga magulang ni Ness. At nakakaawa talaga ang mga anak nila. Sa sobrang awa naming mag-asawa, kami na ang nagkusa na pabalihin sya. At kahit na may pasok pa ako sa trabaho, nag-half day na lang ako para makauwi na lang si Ness sa kanila at mapatingnan sa totoo at matinong duktor ang kapatid nya. At dahil kinabukasan nung araw na yon ay Sabado, pinayagan ko na rin sya na matulog duon sa kanila para kahit papaano’y maalagaan nya ng kapatid nya. Ang sabi ko nga eh, dito na lang sa bahay tumira si Nikki, at least pag kasama nya ang kapatid nya dito sa amin, medyo makaka-pamuhay ang bata ng matino. At isa pa, magkasundo naman sila ng anak ko. Nuon kasing 3rd birthday party ni Nico, inimbitahan din namin ang kapatid ni Ness at pagkatapos ng party, ilang araw ding tumira sa amin ang kapatid nya at sabay na lang silang umuwi ng Ate Ness nya sa Laguna para sa Holy Week vacation. Kasundong kasundo sya ng anak ko. Palibhasa sabik sa kalaro, kaya ayun masayang-masaya ang anak ko nung nandito si Nikki sa amin.

040107-060.jpg

Eto si Nikki, ang kapatid ni Ness. Ang litratong
ito ay kuha noong 3rd Birthday ni Nico.

Pag-uwi ng Yaya namin galing sa kanila tinanong ko kung anong nangyari kay Nikki. Ayun, tama nga ang hinala ko, may ulcer nga ang bata at na-infect na rin ang intestines ng bata kaya sya isang lingo ng may lagnat. At kaya pala di maka-ihi ng maayos, eh may UTI na ang bata. Hay, kawawang bata. Binilhan daw nya ng anti-biotic si Nikki na iinumin sa pitong araw para sa infection. At para dun sa UTI, may pinapainum din na gamot. “Ang mahal nga Ate eh. Pamasahe na lang pauwi ang natira dun sa binigay mo sa akin. Pinabayaran pa ni Tatay yung utang nila sa tindahan na P750,” sabi ni Ness.

Ewan ko ba kung bakit may mga magulang na ganun, masyadong pabaya sa anak! Tinatanong ko naman si Ness kung ano nang nangyari dun sa suggestion namin na dito na lang sa bahay si Nikki tumira eh ayaw naman dawn g Tatay nya kasi wala daw tutulong dun sa madrasta nya para mag-alaga ng bago nilang kapatid, kapapangak lang kasi nung bagong asawa ng Tatay nya.

Tsk, tsk, tsk. Ano ba naman yan? May sakit na nga ang bata eh imbis na umisip sila ng paraan para gumaling ang anak nila eh, mas nananaig pa rin sa kanya ang mga sarili nilang kapakanan! Alin, kung wala pang trabaho si Ness, sino na lang ang aasahan nila?

121506-022-01.jpg

Kami naman syempre, gusto rin namin tulungan si Ness sa abot ng makakaya namin lalo na sa mga sitwasyon gaya ng nangyari kay Nikki. Bakit ba hindi, eh parang paraan na din iyon ng pasasalamat naming sa pag-aalaga nya ng maayos kay Nico. Pero syempre, may mga pagkakataong gipit din naman kami sa pera kaya minsan talagang maliit lang napapa bale namin sa kanya.

Nga pala, mabalik lang ako dun sa text message. Ayun nga, tinanong ko kung seryoso sya sa pagbale ulit, kasi P500 na lang natitira sa sahod nya para sa 01 June. “Eh kasi Ate tumawag na naman si Tatay, nanghihingi ng P1,500 kasi idadagdag daw nya sa pampa binyag ng bago naming kapatid,” sabi ni Ness. “Oh sige, pag-uusapan muna namin ng Kuya mo ha,” sabi ko naman.

Nung Biyernes nangyari yun. Ngayon Linggo na, di pa kami makapag-decide. Kasi naman, kung emergency expense yun gaya nung nangyari kay Nikki, OK lang naman, di na kami mag-dadalawang salita. Eh etong ngayon, parang di kami sigurado, kasi nga binyag lang naman. Eh ano ba naman kasing klase yan? Bakit di sila mag hanapbuhay ng matino para may panggastos sila at ng hindi lahat iniaasa nila kay Ness?

Ano kaya, bibigyan na naman namin? Bahala na si Batman. Siguro, aabutan ko na lang ng P500.

22 responses so far

22 Comments

  1. luisapages on 20.05.2007 at 20:08 (Reply)

    Sobra naman ng tatay ng yaya mo… inaasaa lahat sa kanya..kawawa din.. =)

    It sounds like she’s family to you already… she’s lucky to have an employer like you…

  2. Linnor on 21.05.2007 at 04:06 (Reply)

    I think the P500 will do since, like you said, it’s not an emergency.

    Pero if it happened to me, mag-iisip din ako, kasi talaga bang may gastos ang magpabinyag? Kung salat sa pera, puede pa din naman magpabinyag. Konting handa lang ng simpleng pagkain para sa mga ilang na-imbitahan, ayos na. I don’t think aabot sa P1500 ang gastos. Pero that’s just me, hehehe…

  3. Belle on 21.05.2007 at 08:56 (Reply)

    you have a huge heart Feng, God Bless you and your family. i know how it feels to be poor but i don’t think it is fair for her whole family to depend on her meager income. your yaya should keep a portion of her salary to herself.

  4. ladycess on 21.05.2007 at 08:58 (Reply)

    hi feng. maswerte si yaya sa iyo. mabait kang amo :)

  5. Litzie on 21.05.2007 at 09:04 (Reply)

    I’m reading your posts re: Your Soulmate Nanny. I wish for one these days… since my son is suffering from colic right now I need someone who loves children and has patience in taking care of a cry baby like mine. Prayers lang talaga. Good luck kay Ate Ness ni Nico. :)
    Napakabait mong amo, maswerte si Ness. Dapat talagang alagaan nya ng husto si Nico biro mo turing nyo na syang anak.

  6. feng on 21.05.2007 at 11:09 (Reply)

    luisa, napapa-iling at napapa-buntong hininga na nga lang ako whenever Ness tells me stories about her Tatay (the Nanay is much worst though, grrr). kaya kahit madalas, pasaway ang Yaya ng anak ko, we try to understand her coz we know where she’s coming from. and yup, we treat her as family already.

    Linnor, actually, i was suggesting na baka pwedeng i postpone na lang ang binyag at isabay na lang sa birthday para isang gastos na lang. ang sabi daw ng Tatay nya, mas maganda daw sa May 29th kasi saktong Fiesta sa kanila. kaya ayan, para wala na lang masabi, we gave her P500. at least the family would feel na gipit din kami sa pera.

    Belle, thanks for the well wishes. agree with you, househelps/yayas should also keep something for themselves. we can understand naman na kaya they employ themselves as maids is to help their families, pero they should not forget themselves as well. after all, it’s their hard-earned money naman. kaya nga, whenever Ness is with us at leisure times in the Mall, i encourage her to buy something for herself, kahit i-advance na nya at least may mabili lang sya para sa sarili nya.

    ladycess, salamat for the kind words. marami na rin kaming pinagdaanan ng Yaya ni Nico but i’m happy to say we learned to trust her again.

    litzie, *hugs* i hope Dustin’s OK now. are you a working Mom too? mahirap talaga humanap ng competent and trustworthy na Nanny these days. Ness and I went through a lot already, i’m happy we gave her a chance to prove herself again.

  7. mars on 21.05.2007 at 16:38 (Reply)

    Talagang mahirap ang buhay ngayon, pambili na lang ng gamot ubos na ang pera. Tapos sa iisang tao lang inaasa ang lahat ng gastusin pati ba naman pambinyag. Susme. Yung yaya ng anak ko di naman palabale, palauwi lang. Uuwi daw sya sa kanila kasi may birthday tapos 1 month sya bago bumalik. Nakakaloka. Tinatanggap na rin namin kasi maganda ang pakikitungo niya sa anak ko kahit papano.

  8. mars on 21.05.2007 at 16:42 (Reply)

    and pahabol pa. sobrang natawa ako sa text ng yaya ni nico para bumale. next bale kaya niya anong style naman? hahahaha
    aabangan ko yan

  9. feng on 21.05.2007 at 16:47 (Reply)

    hi Mars. hirap ng buhay ngayon ano. kaya nakakaawa rin talaga si Ness at sobrang nakakapikon na ang parents nya.

    naku Mars, mahirap din ang sitwasyon nung Yaya nina Aloy at ng kambal, palauwi pala. eh kaya ka nga kumuha ng Yaya para may makatulong sa pag-aalaga ng mga bata, tapos uwi lang ng uwi sa kanila, at 1 month pa ha.

    sana naman nagpapa-alam si Yaya mo ng maayos na mawawala sya matagal para makakuha ka ng reliever habang wala sya. ang tyaga mo rin Mars, buti at tinanggap mo pa. kung sabagay, kung OK naman ang pag-aalaga nya sa mga anak mo, OK na rin.

    mahirap din kasi maghanap ng matinong Yaya ngayon. :)

  10. feng on 21.05.2007 at 16:49 (Reply)

    tawa din talaga ako ng tawa nung nabasa ko yung text eh kaya napatawag ako agad sa bahay nung na-receive ko. addict din kasi sa text si Ness :)
    hay, pasaway talaga ano.

  11. auee on 21.05.2007 at 18:45 (Reply)

    ah seryoso sya dun sa text nya? Ok ha, at ease sya talaga at nadaan sa biro :-)
    She must love working for your family, swerte ka na din at nakakuha ka ng maayos mag-alaga sa bata. Family ko sa Pinas laging tinatakasan e minsan may kasama pang nakaw.

    Any-who, I think 500 is enough, di naman nga emergency. Nung dinescribe mo pa lang ang sakit ni Nikki isip ko na agad UTI. Kawawa naman, sakit nun. Sana mag-desisyon si Ness para sa kapatid nya, I’m sure alam nyang mas makakabuti sa sister nya ang magkasama sila.

    Minsan mahirap intindihin bakit yung mga mahihirap sa atin. Para sa atin baluktot ang logic nila, sa kanila naman yun lang ang alam nilang solusyon.

  12. feng on 21.05.2007 at 22:13 (Reply)

    hello auee. naku, sinabi mo pa. mahilig talaga magpahaging ang Yaya ni Nico, pag di nya masabi ng personal sa akin, kahit magkatabi lang kami, ite-text nya pa. pasaway talaga.

    thankful din talaga kami coz she really takes care of my son as her own little brother. coincidence, alam mo bang Nico din ang name nung brother who died of leukemia. at halos ka-age din ni Nico ko.

    sorry to hear about your family’s experience sa mga kasambahay. naku, they’re not alone. maraming ganyan dito sa Pinas. kaya dapat din may limitasyon when trusting households.

    kawawa din si Nikki. would you believe, 11-yrs old na sya, pero mukhang 7yrs old kasi nga malnourished. we were even suggesting nga na dito na lang sa amin tumira at pag-aaralin na lang namin pero ayaw talaga nung Tatay.

    agree with you, sometimes mapapakamot ka na lang ng ulo sa reasoning ng families like Ness’. walang long term solutions para gumaan ang pamumuhay.

  13. sexy mom on 22.05.2007 at 09:38 (Reply)

    Feng, sometimes nakakapanggigil ang ganyang mga magulang–leaving everything to their children who work, even the luxuries (pwede namang magpabinyag na hindi gagastos, di ba?). but then, what can we do? gusto din naman ng mga yaya or helpers natin na tumulong. that makes them feel better–para din naman tyo di ba? we work we do the best for our children, leaving nothing for ourselves. we are always the last, in terms of priorities.

    my helper, who has been with me for 13 years now, is neck deep in debt to me. kahit hanggang december bayad na siguro siya. but i really do not mind for myself, my worry is her, i told her that. she has nothing for herself. she has a big heart, looks after her mother, her married daughter who is battered by her husband, and her other daughter who should be in college now (she now lives with us now).

    the only consolation i have is that if my helper does not care for her family, how can she ever care for us, as we are not even remotely related.

  14. feng on 22.05.2007 at 10:47 (Reply)

    hi sexy mom. agree with you, nanginginig din ang laman ko sa mga magulang na gaya ng kay Ness. well, the Nanay of hers is much worst, garapal talaga. ipinapasok pa nga nya anak nya as Japayuki eh or kung hindi daw pwede, domestic helper sa Lebanon. di ba nakakainis? kung pwede lang sanang makiaalam. but then, as you said, we can only do so much for them. it’s their life, we do not have absolute rights to command them what to do.

    your helper is so blessed that she has you and your family as her employer. must be your magandang pakikisama sa kanya that’s why she loves your family. kawawa din sya. imagine, worrying still about her already married daughter. it must have been hard for her. good thing the other daughter is living in your home, at least she’s assured to be in good hands.

    well, pasalamat na din that they have big hearts because it’s true, kung wala silang malasakit sa family nila, mas lalo na siguro sa employer nila.

  15. kathycot on 22.05.2007 at 11:10 (Reply)

    HI FENG… nakakainis talaga yung mga ganyang kamaganakan ng mga yaya natin… di na nila naiisip yung pangungulila ng mahal nila sa buhay para lang makatulong at sa mga kapricho nila… hay…

    i mean, di na ubligasyon kaya ni ness yung pabinyag na un…

    ako naman naawa din sa yaya ng anak ko, meron din ciang 2 kids kaso she has to work para lang mapagaral man lang nya mga anak nya..super iresponsable kaze ang tatay ng mga bata!

  16. feng on 22.05.2007 at 15:04 (Reply)

    hi kathy. sobrang nakakainis talaga ano. kung pwede lang mangi-alam, kaso hindi.

    naku kathy nakakaawa din ang yaya ng anak mo. masakit para sa isang nanay ang mahiwalay sa kanyang mga anak. i’m sure she misses her two daughters very much. we can only hope someone’s looking after her kids while the Yaya is with you. tsk, grabe yung Tatay…

  17. julie on 22.05.2007 at 23:17 (Reply)

    That we do not go through because we don’t have a maid. We make do with what we can. Kahit hindi gaano kalinis ang house like it is supposed to, bahala na. We do tomorrow what we can’t do today. We do things that need immediate attention. That’s why we try to train the kids to have their share of cleaning up, however small these tasks seem to be. Good luck sa inyo Feng. Habaaan ang pasensiya. :)

  18. feng on 23.05.2007 at 13:15 (Reply)

    hi julie. ay naku, if ever i had a choice, i’d opt not have a maid/nanny. kaso, with our current situation (we’re both working full-time), having a nanny is the most feasible decision. perhaps kung medyo malaki na si Nico (around 7) pwedeng wala na, but for now, mahirap pa talaga.

    re: your effort to train the kids to do their share in cleaning up is what i also plan to instill with my son. i was also trained by my parents in that way, kaya 6 years old pa lang ako, marunong na ako mag-saing ng rice, at hindi sa rice cooker ha. :)

  19. sassy mom on 23.05.2007 at 17:57 (Reply)

    Natawa ako sa text message … BWAHAHA! Creative si yaya!

    Nway, swerte ang mga yaya sa among tulad mo.

    Minsan naman naabuso ang kabaitan, like mwah, hay! Til now wala pa ang yaya … kaya hindi ako makapag-blog… sabi 21st ang dating… ayan hanggang ngayon wala pa at next week na lang daw. At I need to send money for the fare ++ Ung plus plus eh for the parents daw.

    Haay! what we have to deal with.

  20. feng on 24.05.2007 at 10:17 (Reply)

    hello sassy mom. natawa din talaga ako nung nabasa ko ang text ni Ness. :)
    well i guess the keyword is to treat these kasambahays ng maayos. OK lang na mabait tayo sa kanila but we should also make sure na hindi tayo naaabuso. sa mga pinagdaanan na namin with Ness, we’ve learned our lessons na rin

    ganyan na yata talaga ang trend ngayon, sagot pa nung magiging amo ang fare ng prospective househelp tapos may advance na agad for the family. hirap din kasi minsan kasi nag-shell out ka na ng money tapos wala naman darating na househelp. :( sad no.

  21. sasha on 30.05.2007 at 15:21 (Reply)

    Hi Feng! Nakibasa dito galing kay Cess. Grabe naman! Nakakaawa naman yang yaya ng anak mo. Sobra namang tatay at nanay yan. Hay… Dapat di nila inaasa lahat sa mga anak. Tsk tsk…

  22. feng on 31.05.2007 at 16:55 (Reply)

    hi there sasha. thanks for dropping by here. nakakaawa talaga si yaya dahil sobrang abusado ang parents nya at yung estado ng life nila ngayon. we’re helping her in anyway we can but with limitations also lalo na if no calls for emergency expenses lang naman. :)

Leave a comment